CAUAYAN CITY- Kasalukuyang pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways o DPWH 3rd District ang nasa 59 ongoing flood control projects sa Lalawigan ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ceasar Agustin Public Information Officer ng DPWH 3rd District, sinabi niya na may kasalukuyang ongoing flood controls habang may mga tapos ng proyekto sa Isabela 2nd and 3rd Districts.
Ilan sa mga bayan na may ongoing projects ay ang Alicia na may sampung ongoing flood control projects na may fund allocation na 900 million pesos , Angadanan, Ramon, San Mateo at Cabatuan,Benito Soliven, Naguilian, Gamu, San Mariano at Reina Mercedes.
Sa ngayon aabot na sa siyam na flood control projects ang natapos na habang nasa 59 projects ang kasalukuyan pang ginagawa na may 5 billion pesos fund allocation.
May kabuuang 11 contructor ang tanggapan kabilang dito ang JW Construciton and supply, Danyson construction and Development Corporation, Welmore Construction supply and power development at Elco Development ang Construction Corporation.
Tiniyak ng DPWH 3rd District na ang mga contractors na ito ay dumaan sa public bidding, walang kaugnayan sa sinomang mga politiko at nakapasa sa procurement activity ng DPWH.
Bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Marcos na pag-audit sa mga flood control projects ay nagbigay ng derektiba ang District Engineer na ihanda ang mga kaukulang dokumento para sa mga nagnanais na suriin ang mga ito gayundin na tiniyak nilang makikipagtulungan sila sa sinomang magsasagawa ng inspection.
Abala din ang mga Project Engineer at Projects Inspector ay nagsasagawa ng monitoring sa mga flood control projects na natapos na at sa mga proyektong sisimulan pa lamang.
Samantala, maliban sa mga flood control projects may mga tulay din na inaasahang isasaayos ang DPWH 3rd District kabilang ang Turod-Bangquero Bridge sa Reina Mercedes, Isabela habang may mga for implementation pa ngayong taon.











