--Ads--

CAUAYAN CITY- Pormal na ideneklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 ang Jones Police Station bilang Drug Free Work Place.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Plt. Gaylord Clemente ang Deputy Chief of Police ng Jones Police Station, sinabi niya na na nakumpleto ng himpilan ang mga kinakailangan ng PDEA upang maideklara itong drug-free workplace.

Ang ceremonial unveiling of signage ng Jones Municipal Police Station ay pinangunahan ni PDEA Provincial Officer Ma. Editha Bunagan.

Nagkaroon ng Pledge of Commitment at Ceremonial Signing bilang patunay ng kanilang pagkakaisa at suporta sa kampanya laban sa droga.

--Ads--

Dito ay sabay-sabay na nanumpa ang mga kapulisan, at mga bisita bilang simbolo ng kanilang pangakong itaguyod ang kalinisan sa hanay ng serbisyo.

Bahagi ng isinagawang aktibidad ang paggawad ng Certificate of Commendation sa Jones Municipal Police Station sa pagiging ganap na Drug Free Workplace at dahil sa walang sawang suporta ng LGU Jones sa pamunuan ni Hon. Nhel C Montano, Municipal Mayor sa pagsugpo ng illegal na droga.

Pinangunahan din ng PDEA at LGU ang Unveiling of the Drug-Free Workplace Marker, bilang opisyal na pagkilala sa malinis, ligtas, malusog na kapaligiran at produktibong trabaho sa hanay ng Jones Municipal Police Station.

Matatandaan na noong Hulyo ay sumailalim sa drug test ang nasa 48 PNP personnel ng himpilan at walang naitalang nagpositibo.