--Ads--

Bumagsak ng 7.75% ang crime rate sa buong bansa mula August 2024 hanggang June 2025, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief PGen Nicolas Torre III, kabuuang 177,735 insidente lamang ang naitala sa nasabing panahon na mas mababa kumpara sa 192,677 kaso sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.

Giit ni Torre, patunay lamang ito na mabisa ang pinaigting na anti-criminality operations at mas malawak na presensya ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula July 1, 2022 hanggang August 10, 2025, nakapagsagawa ang PNP ng 153,609 operasyon kontra iligal na droga na nagresulta sa pag-aresto ng 190,568 indibidwal at pagkakasamsam ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng P54.6 bilyon.

--Ads--

Dagdag pa ni Torre, patuloy na pinaiigting ng PNP ang kanilang mga estratehiya laban sa iba’t ibang kriminalidad, lalo na pagdating sa cybercrime.