--Ads--

Isang babaeng guro sa lalawigan ng Uthai Thani sa Thailand ang nagtamo ng malubhang pinsala matapos siyang bugbugin ng isang lalaking estudyante sa Mathayom 5 (katumbas ng Grade 11) sa harap ng mga kamag-aral, bunsod ng hindi pagkakasundo sa marka sa midterm exam.

Batay sa ulat nakakuha ng iskor na 18 out of 20 sa pagsusulit sa Matematika ang estudyante. Bagamat tama ang sagot ng estudyante, hindi niya ipinakita ang solusyon gaya ng hinihingi sa tanong, kaya hindi siya binigyan ng buong puntos.

Dahil dito ay humingi ng paliwanag ang estudyante sa guro bago magsimula ang klase, dahil hindi satisfied sa paliwanag ng guro ay humingi pa umano ang estudyante ng second opinion sa isa pang guro, na nagsabing nasa diskresyon ng bawat guro ang pagmamarka.

Bumalik ang estudyante at iginiit ang mas mataas na marka, ngunit tinanggihan ng guro.

--Ads--

Dito na nagsimula ang pagatake, unang sinipa ng estudyante ang mesa ng guro bago umalis.

Makalipas ang 10 minuto, bumalik ang estudyante, humingi ng paumanhin mula sa guro, at nang hamunin siya, sinimulan ang marahas na pananakit.

Makikita sa video ang 14–15 suntok, isang sipa, at isang knee strike bago nakialam ang mga babaeng estudyante.

Dahil sa pagatake ay nagtamo ng pasa sa mukha,pamamaga sa ulo at pasa sa tadyang ang guro.

Pormal na ring sinampahan ng kaso ng estudyante sa Nong Chang Police Station.

sa kasalukuyan ay supendido na ang estudyante at naghain na rin ng request para mag-withdraw sa paaralan bago humingi ng tawad sa kaniyang mga aksyon.