--Ads--
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na pinamagatang “An Act Defining the Scope and Extent of the Fiscal Autonomy of the Judicial Branch of the Government and for Other Purposes” sa isang seremonya sa Malacañang noong Agosto 14, 2025.
Layunin ng batas na palakasin ang hudikatura bilang isang malaya at kapantay na sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng institusyonalisasyon ng fiscal autonomy nito, alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon.
Sa ilalim ng batas, magkakaroon ng mas malawak na kapangyarihan ang hudikatura sa pamamahala ng sariling pondo, upang mapabilis at mapahusay ang paghahatid ng hustisya sa mamamayan.
Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa seremonya ang ilang miyembro ng Gabinete, Senado, Kamara, at Korte Suprema.
--Ads--






