CAUAYAN CITY- Nanatili sa kostodiya ng 2nd Mobile Force Platoon ng 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Company ang 3.2 million pesos na halaga ng mga iligal na sigarilyo na nasamsam sa bahagi ng Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Melvin Beadoy ang Platoon leader ng 2nd Mobile Force Platoon , 1st Nueva vizcaya Provincial Mobile Company, sinabi niya na kasalukuyan silang nagsasagawa ng Anti-Criminaly Checkpoint ng mapara nila ang isang kahinahinalang closed van.
Aniya napansin nilang nakabukas ang leftside ng pinto ng sasakyan at doon ay nakikita ang isang kahon na nasa loob ng sako na may lamang sigarilyo.
Dahil dito ay hiningan nila ng kaukulang mga dokumento ang driver ng closed van subalit hindi ito tugma sa dala nilang kargamento.
Batay sa dokumento ang laman ng closed van ay neutral auto part gear subalit ang karga ng mga sako ay karton ng sigarilyo.
Dahil dito ay agad silang nakipag-ugnayan sa Diadi Police Station para sa pagkumpiska.
Sa kabuuan ay umabot sa 187 box ng sigarilyo na may kargang 50 rims ang nakumpiska kasama ang 58 modem cigarete na may 50 rim per box na may estimated amount na 3,240,000 pesos.
Batay sa kanilang pagsisiyasat ang truck ay galing sa Binondo Manila at ihahatid sana sa Santiago City.
Sa ngayon ay nasa himpilan ng Diadi ang mga suspek at nasampahan na rin ngkaukulang kaso.










