--Ads--

Nakatakda nang magsimula sa Lunes, Agosto 18, ang deliberasyon sa Kamara para sa panukalang P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026, na tatagal hanggang Oktubre 10.

Ipinahayag ito ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing matapos ang isinagawang organizational meeting ngayong araw.

Ayon kay Suansing, sisimulan ang talakayan sa pamamagitan ng briefing mula sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), na susundan ng araw-araw na budget hearings hanggang Setyembre.

Maglalaan din ang komite ng isang araw para sa “people’s budget review,” kung saan makakapagtanong at makakapagbigay ng suhestiyon ang mga civil society organizations at iba pang grupo hinggil sa panukalang budget.

--Ads--