--Ads--

Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Agriculture o DA Region 2 na tulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa pagpapatayo ng palay processing center na layong patatagin ang presyo ng palay para sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Regional Director Rose Mary Aquino, kailangan lamang magsumite agad ng concept paper ang lalawigan upang ma-endorso ito sa tanggapan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel.

Posibleng pondohan ang proyekto sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), o muling paglalaan ng taunang ₱300 milyon para sa rice programs ng probinsya.

Nagpasalamat naman si Gov. Jose “Jing” Gambito sa positibong tugon ng DA at binigyang-diin ang pangangailangan ng mas malaking suporta sa mga magsasaka.

--Ads--

Ang itatayong palay hub ay magiging one-stop center para sa pagproseso at direktang pagbebenta ng ani sa pamahalaang panlalawigan sa mas patas na presyo.