--Ads--

Inaprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang ipagpaliban ang ilang itinakdang deadline habang naka-recess ang korte.

Ayon sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber, suspendido ang ilang deadline mula Hulyo 25, 2025, alas-5:30 ng hapon hanggang Agosto 18, 2025, alas-9 ng umaga.

Kasabay nito, naglabas ang chamber ng ulat na naglalaman ng lahat ng naging desisyon mula Mayo hanggang Hulyo 2025.

Gayunpaman, dahil sa mga usaping pangseguridad, nanatiling pribado ang ilang bahagi ng dokumento at 36 na annexes upang maprotektahan ang sensitibong impormasyon.

--Ads--

Ipinaliwanag ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na hindi sila tumutol sa anumang kahilingan mula sa panig ng prosekusyon.

Samantala, inatasan naman ng ICC ang depensa na magsumite ng pampublikong bersyon ng isang confidential na dokumento kaugnay sa kaso.