--Ads--

Naghahanda na ang School Division Office (SDO) Cauayan para sa full implementation ng Aral Program ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gemma Bala, Information Officer ng SDO Cauayan, sinabi niya na pinaghahandaan nila ang nalalapit na Educators’ Summit na gaganapin sa buwan ng Setyembre.

Ang naturang summit ay dadaluhan ng iba’t ibang department head at stakeholder ng DepEd upang ipaalam ang bagong batas ng departamento, ang Republic Act 12028 o Aral Program.

Sa ilalim ng bagong batas na ipapatupad ngayong taon, tutugon ito sa mababang performance ng Pilipinas sa pagbasa, agham, at matematika.

--Ads--

Magkakaroon aniya ng unti-unting intervention upang mapataas ang antas ng kaalaman mula Grade 3 hanggang Grade 10.

Dagdag pa niya, aasahan ng mga magulang ang mas tutok na atensyon at paglalaan ng mga materyales ng DepEd upang maayos na maisakatuparan ang programa.

Sa katunayan, mayroon silang programang nakaayon sa Aral Program, ang Reading Together: Connecting School to Homes and Communities, kung saan makakatuwang nila ang mga magulang sa pagpapabasa sa mga mag-aaral sa loob ng bahay.