Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 7-anyos na batang babae matapos itong mawala.
Kahapon isang pangyayari ang gumimbal sa Barangay Bonuan Gueset sa Dagupan.
Isang bangkay ng batang babae na walang saplot at nakasilid sa garbage bag ang nakita sa Tondaligan beach sa Barangay Bonuan Gueset .
Una rito napaulat ang pagkawala ng isang batang babae mula sa Asingan.
Batay sa mga magulang ng bata sapilitan itong isinakay sa loob ng isang SUV na tumigil sa tapat ng kanilang bahay noong araw ng Hwebes.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lawrence Keith Calub, OIC ng Dagupan City Police station, nalaman na may batang babae na nawawala sa bayan ng Asingan nitong Huwebes, kaya’t sa pag-iimbistiga natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Sa isinagawang pagsisiyasat at examination sa labi nakita ang tatlong gilit sa leeg ng bata.
Samantala, mariing kinondena ng mga opisyal ng Asingan at Dagupan ang naganap na karumal-dumal na krimen.
Ipinahayag nila ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng biktima at nanawagan na mabigyan ito ng agarang katarungan.
Sa ngayon ay mayroon ng Person of Interest ang PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspect na ngayon ay nasa kostodiya ng mga awtoridad.
Inaalam na sa ngayon ang motibo sa pagpatay sa bata.











