--Ads--

Dalawang personalidad ang nasawi sa Bukindaw X Santo Tomas Mountain Trail Ultra 2025 noong Agosto 4.

Kinilala ang mga biktima bilang si Klent John Brua, asawa ng New Bataan Mayor Bianca Cualing-Brua, at si Montevista Councilor Eric Joseph Taping.

Ayon sa ulat, parehong hindi nakarating sa finish line sina Brua at Taping.

Si Brua ay natagpuang walang malay at idineklarang dead on arrival sa Santo Tomas Municipal Health Center habang si Taping naman, 33, ay nakaranas ng pagduduwal at panghihina bago tuluyang pumanaw sa ospital.

--Ads--

Dahil sa matinding init noong araw ng kompetisyon, pinaniniwalaang heat stroke ang sanhi ng insidente.

Sinisilip ng pulisya kung nasunod ang safety protocols, kabilang ang pagkakaroon ng security stations kada pitong kilometro.

Kaugnay nito nagpahayag ng pakikiramay ang pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro sa pagpanaw ni Councilor Taping, na kilala sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko.

Ayon sa kapatid niyang si Coy Coy, bahagi na ng kanilang buhay ang trail running mula pa 2012.