Nagpahayag ng suporta ang lahat ng 18 regional directors ng Philippine National Police (PNP) kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, kasunod ng utos ng National Police Commission (Napolcom) na i-recall ang kanyang mga reassignment sa ilang matataas na opisyal ng ahensya.
Sa ilalim ng Napolcom Resolution 2025-0531 na inilabas noong Agosto 14, inatasan ang PNP na ibalik sa dating posisyon sina Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang deputy chief for administration at Lt. Gen. Bernard Banac bilang Area Police Command (APC) Western Mindanao commander.
Matatandaang noong Agosto 6, naglabas ng direktiba si Gen. Torre na nagtatalaga kay Nartatez sa APC Western Mindanao at kay Banac bilang deputy chief for administration ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.
Bagama’t hindi tahasang binanggit ang kautusan ng Napolcom, lumagda ang lahat ng regional directors sa isang manifesto ng suporta para sa “single line of authority” at kay Gen. Torre. Nakasaad sa dokumento:
Kabilang sa mga pumirma ay sina Brig. Gen. Dindo Reyes (Ilocos), Brig. Gen. Roy Parena (Cagayan Valley), Brig. Gen. Rogelio Ponce Peñones (Central Luzon), Brig. Gen. Jack Wanky (Calabarzon), Brig. Gen. Roel Rodolfo (Mimaropa), Brig. Gen. Nestor Babagay Jr. (Bicol), Brig. Gen. Josefino Ligan (Western Visayas), Brig. Gen. Redrico Maranan (Central Visayas), Brig. Gen. Jason Capoy (Eastern Visayas), Brig. Gen. Eleazar Matta (Zamboanga Peninsula), Brig. Gen. Rolindo Suguillon (Northern Mindanao), Brig. Gen. Joseph Arguelles (Davao), Brig. Gen. Romeo Macapaz (Soccsksargen), Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV (Caraga), Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay (Negros Island), Maj. Gen. Anthony Aberin (NCR), Brig. Gen. Jaysen De Guzman (BARMM), at Brig. Gen. Ericson Dilag (Cordillera).
Binanggit ng Napolcom ang Republic Act 6975 (DILG Act) at RA 8551 (PNP Reform Act), na nagbibigay rito ng administrative control at operational supervision sa PNP. Ayon sa komisyon, bagama’t may kapangyarihan ang PNP chief na magtalaga ng mga tauhan, kailangan pa rin ng kumpirmasyon mula sa commission en banc para sa mga third-level positions.
Tinukoy din ng Napolcom ang Resolution 2022-473, na nagsasaad na dapat ipasuri muna ang mga senior assignment bago ito maipatupad. Sa kabila ng mga paalalang ito, nagpatuloy si Gen. Torre sa mga reassignment, dahilan upang i-recall ng komisyon ang 13 matataas na opisyal, kabilang sina Nartatez, Banac, at Maj. Gen. Robert Alexander Morico II











