--Ads--

Isang 64-anyos na babaeng skateboarder sa U.S. ang opisyal na kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang babaeng competitive skateboarder sa buong mundo.

Si Judi Oyama, isang Asian American, ay ginawaran ng titulo sa World Skate Games sa Italy. Nagsimula siyang mag-skateboard noong 1973 sa edad na 14 at naging isa sa mga unang babaeng nakakuha ng sponsorship sa kabila ng kakulangan ng representasyon para sa kababaihan.

Nakamit niya ang Slalom World Championship sa edad na 43 at na-induct sa Skateboarding Hall of Fame noong 2018. Ang kanyang helmet mula dekada ’70 at ’80 ay kabilang na sa koleksyon ng Smithsonian Museum.

Noong 2023, naging miyembro siya ng U.S. National Slalom Team at patuloy pang lumalahok sa international competitions. Bukod dito, aktibo rin siya sa pag-mentor ng mga batang skater at nagsisilbing vice president ng Board Rescue, isang charity na namimigay ng skateboard sa mga kabataan.

--Ads--

Ang kanyang kwento ay inspirasyon na nagpapatunay na hindi hadlang ang edad sa pagtupad ng passion.