--Ads--

Maswerteng nakaligtas ang pasahero at driver ng isang van matapos itong mahulog sa bangin na may lalim na 200 meters sa Sitio Tomyangan, Dupag, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang mga sakay na sina Jerry Mayyon ang may-ari at driver ng van at Caesar Marquez Jr. pasahero.

Ayon sa opisina ni Governor James Edduba, nakatanggap sila ng tawag ukol sa insidente at agad na ipinadala ang Lumin-awa Rescue Team. Kasama sa tumugon ang mga tauhan mula sa BFP-Lubuagan at Pasil, PDRRMC-Kalinga, at iba pang ahensya.

Batay sa initial investigation, patungong Ilocos Sur ang van mula Dugpa, Pinukpuk, Kalinga nang makaranas ito ng mechanical error at mawalan ng kontrol sa bahagi ng Tabuk-Bontoc Road at nahulog sa ilog sa ibaba.

--Ads--

Batay sa pasahero na si Marquez tumalon siya mula sa van bago ito tuluyang nahulog habang si Mayyon ay naisama sa pagkahulog ng van subalit nakaligtas sa pamamagitan ng paglangoy palabas ng sasakyan at tumawid sa ilog.

Sa mabilis na pagresponde ng rescuers ay nalapatan agad ng atensyong medikal ang dalawang biktima na dinala sa Kalinga Provincial Hospital habang nag tulong tulong ang mga awtoridad para maiahon sa bangin ang van.