Naihalal na ang siyam sa labindalawang senador na bubuo sa Commission on Appointments (CA).
Kabilang sa mga napiling senador sina Bato dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, at Mark Villar.
Nagkaroon muna ng pagtatalo sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Tito Sotto III bago ang halalan ng mga miyembro.
Ipinunto ni Villanueva na dapat ay 80 porsyento mula sa majority bloc at 20 porsyento mula sa minority bloc ang bubuo sa CA.
Pumalag si Sotto at iginiit na batay sa Konstitusyon at desisyon ng Korte Suprema, ang representasyon sa CA ay dapat nakabatay sa political party affiliation ng mga senador.
Nalutas ang isyu nang bawiin ni Senator Alan Peter Cayetano ang kanyang nominasyon.
Ginawa ito ni Cayetano upang masiguro ang pagkakaroon ng balanseng representasyon sa CA.
Ang Commission on Appointments ay may kapangyarihang kumpirmahin o tanggihan ang mga itinalaga ng Pangulo.











