Inaasahang maglalabas ng subpoenas ang Senate Blue Ribbon Committee sa mga contractors na bigong dumalo at humarap sa pagdinig hinggil sa ma-anomalyang flood control projects.
Sa kasalukuyang pagdinig sa Senado upang tiyakin na makadadalo ang mga mga contactors sa susunod na pagdinig sinegundahan ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Rodante Marcoleta ang mosyon ni Sen. Bato Dela Rosa na mag-isyu ng subpoena sa walong kontraktor na hindi dumalo sa pagdinig ukol sa kontrobersyal na flood control projects.
Tanging 7 sa 15 contractors ang dumalo sa naturang pagdinig.
Kabilang dito ang EGB Construction Corporation, Centerways Construction and Development Inc., Sunwest, Inc.,Legacy Construction Corporation, QM Builders, Triple 8 Construction & Supply, Inc., MG Samidan Construction, at Road Edge Trading & Development Services.
Nabanggit din sa paghdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na ilan sa mga hindi nakadalong contractors ay dahil sa kadahilanang ilan dito ay mayroong mga sakit at ang ilan ay nakabakasyon.











