CAUAYAN CITY- Tiniyak ng PNP Aviation Security Group sa Bagabag Airport na lahat ng mga nagtutungo sa lugar ay mananatiling ligtas sa paliparan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCAPT. Eduard Caballero, ang Chief of Police ng Bagabag Airport Police Station, sinabi niya na bagaman wala pang commercial flights ngayon sa paliparan, bukas naman para sa general aviation operations tulad ng private charters at VIP o special flights.
Aniya, sa ngayon mahigpit pa rin aniya ang seguridad sa lugar lalo na at mga Government Officials at VIP guests ang mga lumalapag sa paliparan.
Sa ngayon ay plano na rin aniya ng lokal na pamahalaan ng Bagabag na maibalik muli ang commercial flights sa lugar upang mapalakas ang turismo.
Sa ngayon ay private aircraft, chartered flights, flying school, military flights, at government flights pa lamang ang kanilang binabantayan.
Dagdag pa niya, maaari din silang tawagan sa pamamagitan ng pag dial sa 911 at sisiguruhin aniya nila na sa loob ng 5 minuto lamang ay marerespondehan na sila.
Sa ngayon ay nananatili pa rin naman aniya sa normal status ang paliparan.







