Dalawang biktima ng human trafficking ang matagumpay na nasagip ng National Bureau of Investigation–Dagupan District Office (NBI-DADO) sa Urdaneta City, Pangasinan. Kasama sa operasyon ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga kaanak ng biktima.
Ang kaso ay isinangguni sa NBI-DADO ng isang non-profit organization matapos makatanggap ng panawagan ng tulong mula sa mga kaanak ng biktima.
Ayon sa kanila, hawak umano ng isang sindikato ang mga biktima na sangkot sa human trafficking sa Northern at Central Luzon. Nakatanggap rin sila ng mga mensahe mula sa mga biktima na humihingi ng saklolo.
Lumabas na ang mga biktima at 12 pang kababaihan ay ni-recruit online upang magtrabaho bilang waitress sa isang KTV Bar sa Agoo, La Union.
Sa halip, pinilit silang magtrabaho bilang entertainers at inalok para sa sexual services sa mga lalaking parokyano. Kalaunan, sila ay inilipat sa Urdaneta City, kung saan banta pa umanong babarilin sila sakaling tumakas.
Sa isinagawang operasyon ng NBI-DADO, kasama ang DSWD at mga kaanak, dalawang biktima ang nasagip at agad na inilipat sa pangangalaga ng DSWD.
samantala, kinumpirma ng mga biktima ang ulat na natanggap ng NBI-DADO. Ayon sa kanila, ni-recruit sila online na may pangakong sahod na ₱20,000 kada buwan.
Pinapirma rin umano sila ng kasunduan na may utang sila sa KTV Bar at hindi makakaalis hangga’t hindi ito nababayaran—bagamat itinanggi nilang nakatanggap sila ng anumang halaga mula sa mga recruiter.
samantala, Tiniyak niyang ipagpapatuloy ng Bureau ang paghahanap sa iba pang biktima at isasampa ang kaukulang kaso laban sa mga recruiter at may-ari ng KTV Bar.










