--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi pa natatapos ang flood control project sa Alicaocao Cauayan City na sinimulan pa noong taong 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Abilardo Aguinaldo, on-site Engineer ng kumpanyang Oroset Construction, sinabi niya na bagaman bago siya sa site ay naibahagi naman sakanya na nasa 182 million Pesos ang pondo ng flood control na nagkaroon lamang ng delay sa paggawa dahil sa weather disturbances na naranasan at dahil sa revise plan.

Aniya, 535 meters ang haba ng flood control at nadatnan niya itong 60% na ang natatapos, sa ngayon ay 85% na ang tapos at inaasahan namang date of completion nito ay sa October 2025.

Problema na lamang aniya ngayon ay ang 21 meters na 3rd sloop at kaya naman itong matapos sa loob ng dalawang buwan kung hindi magkaka problema sa weather condition.

--Ads--

Kampante naman aniya siya na matibay ang flood control dahil gumamit sila ng matitibay na bakal, sa Sloop protection at retaining wall.

Pagdating naman aniya sa kapal ng semento ay 0.20 meters ang kapal nito batay sa plano ng proyekto.