--Ads--

Ipinamalas ni Graham Barratt, isang hardinero mula Gloucestershire, UK, ang kanyang pambihirang husay sa paghahalaman matapos magtala ng apat na bagong Guinness World Records para sa dambuhalang gulay—lahat sa loob lamang ng isang summer season.

Nagsimula ang sunod-sunod na tagumpay ni Barratt noong Hunyo 2, nang kilalanin ang kanyang snow pea na may habang 180 mm (7 inches) bilang “longest pea pod.”

Sinundan ito noong Hulyo 11 ng isang tomatillo na tumitimbang ng 140 gramo, na naging bagong record-holder para sa “heaviest tomatillo.”

Hindi pa roon nagtapos ang kanyang ani ng karangalan. Noong Hulyo 28, dalawang Guinness titles pa ang kanyang nasungkit para sa dambuhalang patola “longest luffa” na may habang 4 talampakan at 7 pulgada, at ang “heaviest luffa” na tumitimbang ng 2.82 kilo.

--Ads--

Ayon kay Barratt, na mahigit sampung taon nang aktibo sa kompetisyon ng pagpapalaki ng gulay, malaking bahagi sa kanyang tagumpay ang magandang panahon sa UK ngayong taon.