--Ads--

Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na posibleng magsampa siya ng kasong economic sabotage laban sa mga mapapatunayang sangkot sa maanomalyang flood-control projects sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos niyang inspeksyunin ang umano’y proyekto ng reinforced concrete river wall sa Barangay Piel, Baliuag, Bulacan na nakatakda sanang simulan noong Pebrero ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring makikitang anumang trabaho.

Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng P55.7 milyon ay iginawad sa Syms Construction Trading.

Malinaw umano na hindi natapos ang proyekto at isa itong falsification o malaking paglabag.

--Ads--

Paliwanang ng Pangulo na simula nang inilunsad ang website na sumbongsapangulo.ph, napakarami nang nagsusumbong.

Isa ang “nonexistent” na river wall project sa bayan ng Bulacan ang perpektong halimbawa ng pang-aabusong ginagawa ng ilang kontraktor

Nadidismaya at nagagalit narin ang Pangulo sa kanyang mga natuklasan.

Binigyang-diin din ng Pangulo na kung naisakatuparan lamang nang maayos ang mga flood-control projects, matagal nang naibsan ang problema ng publiko sa mga pagbaha.

Nakatulong din daw sana ito sa mas maayos na sistema ng irigasyon, suplay ng tubig, at kahit sariwang tubig sa mga kabahayan.