Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas ngayong Miyerkules ng madaling araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa ulat, tumama ang lindol dakong alas-12:43 ng madaling araw, 2 kilometers sa timog-kanluran ng Calaca City Batangas.
Una itong iniulat na magnitude 4.8 ngunit kalaunan ay itinaas sa magnitude 5.1.
Naramdaman ang Intensity V sa Calaca City, Intensity IV naman sa Alitagtag at Cuenca Batangas, at sa Lungsod ng Tagaytay, Cavite.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bayan sa Cavite at Laguna gayundin sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Batay sa tala ng Phivolcs umabot na sa 14 ang naitalang aftershocks hanggang alas-6 nitong umaga.
Inaasahan pa ang mga susunod pang aftershocks at posibleng pinsala.








