Inilarawan ng Malacañang na “complete failure” ang pagkakatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos nitong ihayag na kulelat ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa pagdating sa edukasyon.
Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa naging pahayag ni VP Sara na ang bansa ay nananatili sa “paper and pencil” level kumpara sa ibang bansa na may modernisadong education systems.
Ani Castro, binigyan ng oportunidad si VP Sara na pamunuan ang DepEd at magpatupad ng reporma na inirereklamo niya ngayon.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Castro sa mga guro at estudyante na walang dapat na ipag-alala dahil ang kasalukuyang Education Secretary na si Sonny Angara ay tinutugunan na ang problemang iniwan ni VP Sara sa departamento.
Matatandaan na kamakailan ay bumisita si VP Sara sa Kuwait kung saan ikinumpara niya ang “paper and pencil stage” education system sa Pilipinas at sa ibang mga modernisadong sistema sa ibang basan.
Idinagdag pa nito na ang mga estudyante sa ibang bansa ay abala sa ‘robotics at coding’ habang patuloy naman at hirap na hirap na humahabol ang Pilipinas.
Sinimulan na sa Lungsod ng Cauayan ang paggamit ng Decibel Meters o Digital Sound Level Meters nitong ika-apat ng Disyembre, taong kasalukuyan, upang masuri...