--Ads--

Ibinunyag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang limang pangalan ng mga consignee ng mga shipment na pinaghihinalaang may laman na smuggled na produktong agrikultura.

Ginawa niya ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform.

“Sa ilalim ng Anti-Agriculture Economic Sabotage Law, kapag P15 hanggang P20 milyon ang halaga, dapat non-bailable economic sabotage na ito. Kung may ebidensya at nakita mismo ni Secretary Kiko na binuksan ang shipment, dapat sinampahan na ng kaso at inaresto na ang mga sangkot.” ani ni Pangilinan.

Nagpaliwanag naman si DA Undersecretary Carlos Carag, wala umanong kapangyarihang magpatupad ng batas ang Department of Agriculture.

--Ads--

“Kahit gusto naming kumilos, hindi kami bahagi ng law enforcement group sa ilalim ng bagong batas na RA 12022. Kailangan naming makipag-ugnayan sa mga ahensyang may kapangyarihan.” ani ni Cagara

Dagdag pa niya, nasa hurisdiksyon pa rin ng Bureau of Customs at ng konseho ang mga container, at walang direktang papel ang DA sa pagsasampa ng kaso.

Sa ilalim ng RA 12022 o Anti-Agricultural Sabotage Act, itinuturing na economic sabotage ang agricultural smuggling kapag ang halaga ng produkto ay umabot sa P10 milyon pataas, batay sa daily price index.

Binatikos din ng Senador ang kawalan ng aksyon laban sa mga opisyal ng gobyerno na umano’y sangkot sa rice smuggling, na una nang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Mayo.