--Ads--

CAUAYAN CITY- Aminado ang pamunuan ng Reina Mercedes Water District sa suliranin ng tubig na nararanasan ng kanilang mga consumers sa Bayan ng Reina Mercedes, Isabela.

Kabilang dito ang kakulangan ng suplay lalo na kung rush hour at ang madumig tubig na lumalabas sa mga gripo.

Ayon kay General Manager Jerome Josue, totoong mahirap ang sitwasyon ngayon ng tubig sa bayan ng Reina Mercedes.

Dalawa lamang kasi mula sa tatlong pumping station ang pinapagana sa ngayon.

--Ads--

Dati kasi ay tatlo ang gumagana ngunit itinigil ang operasyon ng pumping station sa Brgy. Bliss dahil wala itong filtration system.

Ito ang dahilan kaya nagrereklamo ang ilang mamamayan sa lugar dahil sa maruming tubig mula sa pumping station.

Ngunit ngayon aniya ay malinis na ang tubig na lumalabas sa gripo ngunit problema naman ngayon kakaunting suplay dahil sa pagsasara ng isang pumping station.

Giit ng General Manager, hindi pa kasi tapos ng contractor ang mismong filtration ng pumping station bagay na ipinagtataka nila dahil dapat ay maayos na ito.

Idinulog na aniya nila ito sa lokal na pamahalaan upang maaksyunan at pagpaliwanagin ang kontraktor na gumawa rito.

Samantala, tiniyak ng water district na sakaling gumana ang tatlong pumping statiom ay matutugunan na nito ang problema ng tubig sa nasabing bayan

Nilinaw din ng opisina na hindi nila iaatang sa mga konsyumer ang gagadtusin dito dahil ito.naman ay mula sa pondo ng pamahalaan