CAUAYAN CITY- Nagsimula na ang pagdagsa ng mga pasahero na sasamantalahin ang long weekend para magbakasyon.
Batay ito sa monitoring ng mga terminal personnel kung saan kagabi ay ramdam na ang pagdagsa ng mga pasahero.
Ayon kay Ginoong Joren Matammo, kagabi ay naramdaman na nila ang dami ng mga pasaherong umuuwi.
Aniya, aasahan na mula ngayong araw ay dadami rin ang bulto ng mga mananakay na uuwi sa probinsya.
Handa naman aniya ang terminal na tugunan ang bilang ng mga uuwing pasahero lalo na sa mga babalik pagkatapos ng weekend.
Aniya, may mga extra trip na inilalaan ang kumpanya kapag ganitong long weekend.
Kakaunti na rin ang mga available na seat pagdating sa booking dahil marami na ang nagtutungo sa terminal para magpabook.
Giit ng mga staff ng terminal, ngayong weekend ang talagang aasahan ang dami ng mga kababayan nating uuwi mula sa ibat ibang bayan.











