Tuluyan nang nag-landfall sa bahagi ng Casiguran, Aurora ang bagyong Isang nitong Biyernes ng umaga, ika-22 ng Agosto.
Ang sentro ng naturang tropical depression ay huling namataan sa bisinidad ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hangin na 55km/h at pagbugsong aabot ng 90km/h.
Ito ay kumikilos pa-westward sa bilis na 15km/h.
Sa ngayon ay nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis) at ang northern portion ng Nueva Ecija (Lupao, Carranglan, Pantabangan, San Jose City).
Batay sa forecast track ng bagyo, tatawid ito ng Hilagang Luzon sa susunod na 12 oras at inaasahan namang makakarating ng West Philippine Sea mamayang gabi.
Bukas ng umaga o hapon, ika-23 ng Agosto ay tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Bagyong Isang.
Hindi naman inaalis ang posibilidad na mas lalo pa itong lumakas at mag-develop bilang tropical storm bukas ng umaga habang papalapit sa katubigan ng South Hainan, China.











