--Ads--

CAUAYAN CITY- Personal na tinungo ng Bombo News Team ang isa sa mga nakalistang flood control project na makikita sa Site ng Sumbong sa Pangulo.

Ayon sa site, September 23, 2024 ang completion ng proyektong ito na isang drainage system project ng isang construction company.

Sa isang tingin ay maayos ang pagkakagawa sa nasabing drainage project.

Ngunit kung papansinin ay makikita ang mga nakausli na mga bakal o round bar sa dulo ng proyektong ito.

--Ads--

Sa pakikipg ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Barangay, postibo ang kanilang pananaw ukol dito.

Ayon kay Punong Barangay Edgar Telan ng Barangay Cabaruan, maganda ang proyekto para sa kanilang barangay dahil ito ang daanan ng tubig mula sa mga kalapit Barangay partikular sa District 2, Gayunman hindi niya sigurado kung tapos na o nagpapatuloy pa ang nasabing proyekto.

Aniya, ngayong taon lang siya umupo at wala rin siyang ideya kung ito ay galing sa National Government o pinondohan ng LGU ngunit bilang nakaupong kapitan, positibo ang pananaw nito ukol sa nasabing flood control project.