--Ads--

Wala nang buhay nang matagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 25-anyos na tripulante ng fast craft ferry boat matapos itong mahulog sa bahagi ng Port of Calapan Ferry Berth.

Ayon sa ulat ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Calapan, bandang 9:10 a.m. noong Miyerkules nang makatanggap sila ng impormasyon ukol sa insidente.

Agad nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga tauhan ng PCG, at ilang minuto lamang ay natagpuan ang labi ng nawawalang tripulante.

Batay sa paunang imbestigasyon, huling namataan ang biktima bandang 1:00 a.m. sa ferry berth bago ito napaulat na nawawala.

--Ads--

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga posibleng dahilan ng insidente, kabilang ang kung may kapabayaan.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang PCG sa pamilya ng biktima at tiniyak ang mas pinaigting na safety protocols sa mga pantalan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.