--Ads--

Matagumpay na nasagip ng mga awtoridad ang isang aspin matapos makatanggap ng reklamo may kaugnayan sa Animal Cruelty sa Barangay Niug Sur, Sto. Niño.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Sto. Niño Police Station matapos matanggap ang ulat ng isang concerned ciizen.

Sa isinagawang paunang imbestigasyon, natuklasan na isang aso ang pinahirapan at minamaltrato ng suspek na kinilalang alias Larry.


Ayon sa nag-ulat, habang sila ay bumabaybay sa kalsada ng barangay ay nakita nila ang suspek na may dalang sako na naglalaman ng aso at nakahanda nang katayin ito.

--Ads--


Sa mabilis na pagtugon, naaresto agad ang suspek ng mga pulis sa mismong lugar ng insidente.


Isinagawa ang follow-up investigation na nagresulta sa kanyang pormal na pagkaka-aresto ng nasabing suspek.

Ang suspek ay dinala sa Sto. Niño Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang nasabing operasyon ay hindi lamang nakapigil sa karagdagang kalupitan, kundi nagpakita rin ng malinaw na mensahe, handa at determinado ang kapulisan na kumilos sa anumang oras upang pangalagaan ang kapakanan ng lahat ng miyembro ng komunidad, maging ito ay tao o hayop.