--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang ginang matapos na pukpukin ng baril at hablutin ng hindi pa kinikilalang suspek ang bag nito na naglalaman ng pera at personal na gamit.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa mga saksi sa lugar kung saan naganap ang insidente hinablot ng suspek na sakay ng puting honda click na walang plaka ang bag mula sa ginang na noon ay kakain lamang sana sa isang karinderya sa kahabaan ng Barangay 3.

Ayon sa saksi na si Lala Gabuya serdidora sa karinderya kung saan kakain sana ang biktima bumaba sa motorsiklo ang suspek na naka black and white jacket at helmet na may dalang baril at pinukpok sa ulo ang Ginang bago tinangay ang bag na may lamang pera at cellphone.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos makuha ang bag ng Ginang.

--Ads--

Ayon sa pulisya hindi na nagpadala sa pagamutan ang biktima sakabila ng natamo na sugat.

Sa ngayaon may person of interest na ang PNP na posibleng suspek na dati na ring naka transaksyon ng mga biktima dahil sa negosyo nilang paglalako ng saging.