--Ads--

Nakapagtala lamang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ng 29 pamilya o katumbas ng 108 katao na lumikas mula sa tatlong barangay sa bayan ng Aglipay, Quirino dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong Isang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Regional Director Lucia Alan, sinabi niya na sa ngayon ay may sapat na prepositioned goods ang DSWD para sa anumang sakuna.

Nananatili sa 29 pamilya mula sa Aglipay, Quirino ang bilang ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Isang. Gayunpaman, ang mga naturang pamilya ay nakabalik na rin sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa kabila nito, tiniyak ng DSWD na nakahanda sila sa anumang sakuna sa pamamagitan ng mga nakaantabay na Family Food Packs (FFPs) at iba pang non-food items na maaaring ipamahagi kung kinakailangan.

--Ads--

Ayon pa sa ulat, mayroong 144,273 na stockpiled FFPs ang DSWD na may kabuuang halaga na ₱89 milyon. Bukod dito, nakahanda rin ang mga non-food items tulad ng sleeping kits, hygiene kits, at tents na kanilang ipinamimigay sa mga evacuation centers.