CAUAYAN CITY- Ibinunyag sa isinagawang pagpupulong sa pangunguna ni Mayor Sheena Tan-Dy kasama ang ilang project engineer ng Lunsod ang umano’y hindi angkop na drainage canal sa flood control project ng DPWH sa paligid ng Santiago City Public Market.
Ayon kay Mayor Sheena Tan-Dy ang dating drainage canal sa pamilihan ay box colvert subalit sa ginawang proyekto ng PDWH ay pinalitan ito ng High-density polyethylene pipes.
Paliwanag ng project Engineer ang ipinalit ay maituturing na bagong technology na structural wall pipe para sa mabilis na construction sa mga highly commercialized na lugar.
Ayon sa kanila walang problema sa naunang box colvert gayunman kinailangan itong palitan dahil sa hindi magkakadugtog ang drainage canals sa lugar.
Inihayag ng Project Engineer sinuri naman nila kung gaano karami ang volume ng tubig na tatanggapin ng mga imburnal kaya nagpasya sila na gumamit ng High-density polyethylene na may 2 meters diameter.
Kinuwestyon naman ang naturang plano dahil sa hindi tugma ang disensyo o size ng drainage canals sa lawak ng Drainage Area.
Ayon sa Project Engineer 25 hectares ang computed na lawak ng lugar na naging basehan sa laki ng inilagay na drainage.
Gayunman, lumalabas sa talaan ng Santiago City Engineering Office na sa kabuuan ay 100 hectares na drainage area.
Ayon kay Engr. Benedict Panganiban ng City engineering Office ng Santiago, dapat nasa 2.35 meters hanggang 2.5 meters ang diameter ng drainage.
Gayuman, lumalabas na 2 meters na diameter lang ang ginawa ng DPWH.
Giit ni Mayor Sheena kapansin-pansin na hindi nabaha ang kabilang bahagi ng lungsod kung saan nanatili ang lumang drainage canals.
Una na ring inihayag ng mga kapitan na ang mga dating binabaha ay hindi binaha subalit ang poblacion na dating hindi binabaha ay binaha noong araw ng Biyernes matapos maranasan ang heavy rainfall dahil sa epekto ng sama ng panahon.











