--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa sa mga tinalakay sa Joint meeting ng City Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council o CPOC CADAC ang kaso ng bullying na naireport sa tanggapan ng Vice mayor na dumadami ang kaso nito

Ito ay base rin sa concern ng mga school heads sa isinagawang pag uusap sa isang committee hearing.

Kasama rin dito nag kason ng mga minors na nagmamaneho ng motorsiklo maging mga ginagamit na tambutso na maiingay.

Tinalakay din ang request ng mga paaralan na magkararoon ng metal detector upang masiguro na hindi makakalusot ang mga ipinagbabawal na kontrabando sa paaralan.

--Ads--

Bukod dito, binigyang pansin din ng Council ang mga ambulant vendor sa mga eskwelahan na layong makontrol ang nilalako ng mga ito.

Ayon kay Pltcol Avelino Canceran Jr., isa ito sa mga tutukan ng kanilang hanay sa pag upo niya sa pwesto

Aniya, base sa report na kanilang hawak, generally peaceful ang sitwasyon ng lungsod dahil sa datos ng mga insidente.

Ngunit dahil sa mga reklamong ito ay tutukan aniya ito ng kanilang hanay lalo na sa kaniyang pag upo.

Kabilang din sa naging suwestiyon ng konseho ay ang pag-aaral kung papaano ireregulate ang mga delivery ng mga parcel kung papaano masusuri ang laman nito.

Ayon sa konseho, paraan ito upang masiguro na ligtas ang mga kababayan natin at hindi magamit ang mga parcel upang magtransact ng iligal na droga.