--Ads--

Napanatili ng Tropical Depression “JACINTO” ang lakas nito sa paglabas sa Philippine Area of Responsibility. Huling namataan ang sentro nito sa layong 470 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Pagkalabas ng PAR, tatahak ito pa-hilaga o gitnang Vietnam, kung saan posibleng mag-landfall sa Sabado ng hapon o gabi, Agosto 30.

Batay sa forecast, maaari itong lumakas at maging tropical storm pagsapit ng Biyernes ng gabi, Agosto 29. Bagama’t wala itong direktang epekto sa ating bansa, maaaring maranasan ang maalong dagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.

--Ads--