Maituturing na ‘hate crime’ ang naitalang mass shooting incident sa isang Catholic School sa Minneapolis, Minnesota.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na batay sa mga notes at posts online ng suspek ay lumalabas na matindi ang galit nito sa mga Christians, Black People, mga bata at sa halos lahat ng indibidwal maging kay United States President Donald Trump.
Napag-alaman din na mayroong obsession ang suspects sa mga mass shooters.
Bago ang insidente ay nag-post ng video sa YouTube ang pinaghihinalaan patungkol sa ‘killing’ na isang indikasyon ng nakaplano nitong gawing krimen.
Malinis umano ang record ng suspek at wala rin siya sa police radar dahilan upang nabigyan siya ng pahintulot na bumili ng baril.
Sa ngayon ay naka-half staff ang watawat ng US bilang pakikiramay sa sinapit ng mga biktima.






