--Ads--

Inanunsyo ni Energy Sec. Sharon Garin ang pagbawi ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa provisional authorities to operate ng Siquijor Power Corporation (SIPCOR) dahil sa sinasabing multiple violations.

Sinabi ni Garin na partikular na nagkaroon ang SIPCOR ng multiple violations sa operational at regulatory compliance requirements.

Aniya, ang naging krisis sa kuryente sa Siquijor ay nagdulot ng matinding epekto sa ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan ng lalawigan.

Kaugnay nito, nagdagdag na aniya ang National Electrification Administration at Department of Energy (DOE) ng genetor sets sa Siquijor.

--Ads--

Inatasan din ng DOE ang Siquijor Power Corporation na i-improve ang kanilang serbisyo.

Ang SIPCOR ay pagma-may-ari ng mga Villar.