--Ads--

Umamin ang contractor na si Sarah Discaya sa pagdinig ng Senado na may mga pagmamay-ari siyang luxury cars.

Pero sa halip na 40 luxury cars tulad ng mga lumabas sa kanyang interview, 28 lamang aniya ang magarbong sasakyan na pag-aari ng kaniyang pamilya.

Bukod sa kanilang mag-asawa ay ginagamit din aniya ito ng kaniyang apat na anak habang ang iba ay service car ng kanilang mga tauhan.

Samantala, ipinakita naman ni Senator Risa Hontiveros ang mga larawan ng mga calling card ng siyam na kumpanya na pag-aari ng pamilyang Discaya.

--Ads--

Walo sa mga kumpanya ay Chief Operating Officer (COO) at isang kumpanya ay Authorized Managing Officer ang asawa ni Sarah na si Pacifico Discaya II.