CAUAYAN CITY- Nagpahayag ng labis na kalungkutan ang Isabela State University System President matapos maitala ang panibagong insidente ng bomb threat sa Isabela State University Main Campus sa Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Boyet Batang ang ISU system President sinabi niya na unang nakatanggap ng mensahe ang Student Body Organization ng CBPA kaugnay sa banta .
Batay sa pinadalang mensahe may bomba umano sa CBPA main, CBPA anex at CCS-ICT na nakatakda umanong sumabog sa loob ng labing limang minuto.
Agad silang nakipag-ugnayan sa PNP Echague at humingi ng Assistance sa EOD Canine Unit ng Ilagan City para matiyak ang kaligtasan ng naturang mga gusali at mapag-aralan ang agad na pagbabalik sa normal na operasyon ng Campus.
Hindi naman maiwasan ni Dr. Batang na malungkot dahil sa sunod sunod na insidente ng bomb threat.
Sa katunayan aniya ay napakinggan pa niya ang pahayag ni Mayor Jaycee Dy kaugnay sa naitala ring bomb threat sa University of Perpetual Help System-Cauayan Campus.
Hinihinala nila ngayon na ang utak sa bomb scare ay pawang mga estudyante lamang din na wala aniyang magawa.
Sa katunayan sa unang insidente na naitala sa ISU Cauayan Campus natukoy, na ang sender ng mensahe ay mula sa ibayong dagat partikular sa Amerika habang ang unang insidente sa ISU Echague Campus ay patuloy paring tini-trace.
Labis aniyang nakakaperwisyo sa operasyon ng Unibersidad ang naturang mga pagbabanta na naging dahilan sa paghigipit nila sa segirudad.Sa katunayan ay umiiral ngayon ang One Entry,One Exit policy sa mga unibersidad at ipinagbabawal na rin ang pagpasok ng outsiders sa Campus pagsapit ng alas-sais ng gabi.










