--Ads--

Nadakip ng mga awtoridad ang number 4 top most wanted person regional level na may nakabinbing kaso ng kidnapping at illegal detention sa Maconacon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Terrence Tomas, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na tatlong araw bago ang National and Local Elections noong buwan ng Mayo 2025 ay ikinulong ng 53-anyos na suspek ang isang pamilyang katutubong Agta sa isang bahay upang pigilan silang bumoto.

Pinalabas na lamang ang mga ito matapos ang halalan. Agad namang nagtungo ang mga biktima sa Maconacon Police Station kasama ang isang IP Representative upang magsampa ng kaso.

--Ads--

Ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng 3 counts ng illegal detention, kidnapping at illegal serious detention.

Tiniyak naman ni PCapt. Tomas patuloy ang kanilang kampanya upang maaresto ang mga indibidwal na nagkasala sa batas.

Isa aniyang malaking accomplishment para sa kanilang hanay ang magkakasunod na pagkaaresto sa mga top most wanted person sa pamamagitan ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at sa tulong na rin ng mamamayan.