--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpositibo sa ipinagbabawal na droga ang isa mula sa limang nadakip na miyembro ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na sangkot sa pangingikil sa Bambang, Nueva Vizcaya.


Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) isinailalim sa drug test ang mga suspek matapos na masamsaman ng shabu at drug paraphernalia sa ginawang entrapment operation.

Kalaunan nakumpirma na shabu ang narekober mula sa mga suspek at nakitaan din ng shabu resedue ang tube pipe na nakuha mula sa bag ng isa sa mga suspek, base sa pagsusuri ng Forensic Unit ng PNP sa Santiago City.


Sa Ngayon nasampahan na ng kasong paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, at karagdagang kaso sa paglabag sa RA 9165 ang suspek na nagpositibo sa droga, partikular sa Section 11 at 12.

--Ads--