Namahagi ang City Health Office ng Lunsod ng prophylactic dose sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kim Kenneth Falguera isang Health emergency Management Staff ng CHO Santiago, sinabi niya na nag ikot na ang mga Barangay Health Workers at Midwifes para magbigay ng Prophylaxis sa mga lugar na binaha.
Nagbibigay sila ng Doxycycline sa mga indibiduwal na lumusong sa baha meron o walang sugat habang amoxcicilin naman para sa mga bata.
Ang Prophylaxis ay ligtas na ibigay matapos ang isinagawang assestment upang maagapan ang anumang sintomas ng leptospirosis gaya ng paninilaw, pananakit ng ulo , lagnat at hindi inaasahang komplikasyon gaya ng kidney failure at pagdurugo ng baga na maaaring humantong sa pagkamatay.
Sa kabuuan nakapagbigay sila ng gamot sa mahigit 1,000 individuals kabilang ang mga residente sa Barangay ng Nabuan, Caloocan, Rosario, Malvar at Cabulay.
Maliban dito namahagi narin sila sa mga vendor sa Public Market na nakaranas din ng pagbaha.
Ang Leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng bakterya na maaaring makaapekto sa parehong hayop at tao.
Ito ay sanhi ng bakterya na Leptospira interrogans at karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng ihi at dumi ng mga hayop na may impeksyon, lalo na ang mga daga, na karaniwang tagapagdala nito.
Dahil sa kaugnayan nito sa mga daga, ang sakit ay minsang tinatawag na “rat fever.”










