--Ads--

Iminungkahi sa session ng Sangguniang Bayan ng San Mariano, Isabela ang pagpapaskil ng abiso kaugnay sa 20% discount para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWD), isang benepisyong matagal nang nakasaad sa batas ngunit hindi pa lubos na naipatutupad ng ilang negosyo.

Ayon kay Eduardo Viernes, Presidente ng Liga ng mga Barangay at Federation President ng Senior Citizens of the Philippines – San Mariano Chapter, hindi dapat ikabahala ng mga negosyo gaya ng botika at bahay-kalakal ang pagbibigay ng diskwento.

Aniya, hindi ito magdudulot ng malaking kawalan sa kita, lalo’t maaari namang ikaltas ang halaga ng diskwento sa income tax return.

Sa isinagawang Committee Hearing ng Social Services, tinalakay ang panukalang ordinansa na magbibigay ng 20% discount para sa mga senior citizen at PWD sa mga pangunahing bilihin at 5% discount sa mga produkto mula sa hardware.

--Ads--

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangang magkaroon ng hiwalay na libro para sa transaksyon ng senior citizen at PWD. Sa paggawa ng financial statement, dapat maiawas ang diskwento mula sa gross sales upang maipakita ang tamang kita ng negosyo.

Hindi saklaw ng diskwento ang mga maliliit na bahay-kainan na bahagi ng isang kooperatiba. Gayunpaman, kung ang kita ng negosyo ay ₱3 milyon pababa, kailangan munang makapagparehistro sa Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) upang ma-exempt sa pagbibigay ng diskwento.