--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang isang driver matapos na masalpok ng pampasaherong bus ang minamaneho nitong pick up truck sa Barangay Almaguer, Bambang Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na magkasunod na bumababaybay pa norte ang pickup truck at Florida Bus.

Pagdating sa Almaguer North ay lumiko sa kaliwa ang pickup subalit nasalok ng sumusunod na bus at nakaladkad pa ng 15 metro mula sa point of impact bago nahulog sa kanal.

Dahil sa bangaan ay nagtamo ng sugat ang sakay ng pick up kabilang ang driver na nagtamo ng fracture sa ulo at kinailangan pang ilipat sa isang pagamutan sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

--Ads--

Hindi inaalis ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang posibilidad na mabilis ang takbo ng sangkot na sasakyan lalo at madulas ang daan dahil sa pag-ulan.

Samantala, nagkaroon naman na aniya ng initial na pakikipag-ugnayan ang bus company sa Bambang Police Station kaugnay sa pangyayari.