--Ads--

Maraming mga pamilya na ang nailikas sa Western Tabuk na malapit sa kabundukan partikular sa Tinglayan dahil sa nararanasang land slide at pagtaas ng antas ng tubig sa Chico River.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aurora Amilig ang tagapagsalita ng Local Government Unit ng Tabuk, sinabi niya nakumpirma ang pagkasawi ng isang binatilyo matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Bulanao dahil sa napakalakas na ulan noong Sept.3,2025.

Batay sa ulat pagkatapos kumain ng pamilya ay pumasok ang binatilyo sa kaniyang kwarto sublit nagkaroon ng landslide at nadaganan ito ng pader.

Nagawang makalabas ng kaniyang pamilya subalit na-trap umano ang bata sa kaniyang kwarto.

--Ads--

Sa ngayon nakaburol ang labi ng binatilyo sa bahay ng kaniyang kaanak sa Barangay Bantay.

Under monitoring parin sa kasalukuyan ang lugar dahil sa nagpapatuloy parin ang pagguho ng lupa at kailangan pang tiyaking ligtas na ang sitwasyon bago pabalikin ang mga residente.

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng reliefe goods sa mga pamilyang nanatili pa sa evacuation centers habang nagpaabot na rin sila ng financial assistance sa pamilya ng sawing binatilyo.