Tuloy-tuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).
Sa ngayon ay nasa tatlong spillway gate pa rin ang nakabukas na mayroong kabuuang 5 metrong opening.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na bahgya nang bumaba ang antas ng tubig sa Dam dahil mula sa dating 191 meters above sea level ay nasa 190.61masl na ito ngayon.
Ang average outflow ay nasa 1,009 cubic merters per second habang ang inflow naman ay 826cms.
Hindi naman matiyak ng NIA-MARIIS kung hanggang kailan sila magpapakawala ng tubig dahil nakadepende pa rin ito sa volume ng rainfall na pumapasok sa magat reservoir.
Gayunman ay tiniyak ni Engr. Ablan na kontrolado lamang ang ipinapalabas nilang tubig.











