--Ads--
Gumawa ng kasaysayan si Alexandra “Alex” Eala bilang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa isang torneo ng Women’s Tennis Association (WTA).
Nakuha ni Eala ang kanyang unang tour title matapos talunin ang Hungarian na si Panna Udvardy sa iskor na 1-6, 7-5, 6-3 sa Centro Panamericano de Tenis sa Mexico, Linggo ng umaga oras sa Maynila.
Bumangon si Eala matapos ang mabagal na panimula sa unang set at nanaig laban kay Udvardy sa ikalawang set, kung saan muntik na siyang mahabol mula sa 4-1 na kalamangan at naitabla sa 5-5.
Sa deciding set, pinatunayan ni Eala ang kanyang tibay upang makabawi kay Udvardy, na tinalo siya noong Abril sa Oeiras Open sa Portugal.
--Ads--











