--Ads--

Nagsasagawa ng ocular inspection ang Luna Police Station kaugnay ng pagsisimula ng operasyon ng Banchetto sa bayan bilang bahagi ng Bato Art Festival.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, sinabi niya na tuwing gabi ay may isinasagawang singing contest, at tuwing Sabado ng gabi ay tampok naman ang live band concert sa Banchetto.

Kasalukuyan ang operasyon ng Banchetto na dinarayo ng mga turista, lalo na sa gabi, kaya’t patuloy ang pagbabantay ng kapulisan.

Binigyang-diin ni PMaj. Ramos na mahalagang mabantayan ang mga aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga dumadalo. Maliban dito, kabilang din sa mga tampok na aktibidad ang Ginoong Luna pageant, na naiiba sa karaniwang Miss Luna para sa mga kababaihan.

--Ads--

Tiniyak ni Ramos na mababantayan ang lahat ng aktibidad sa tulong ng kanilang mga force multipliers, katuwang ang mga barangay tanod at BPATs. Aniya, nasa sampung pulis ang idine-deploy sa lugar, lalo na sa mga oras na dagsa ang mga turista.

Dagdag pa rito, isa sa mga ipinatutupad na panuntunan sa Banchetto ang paglilimita sa pag-inom ng nakalalasing na inumin upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.