--Ads--

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pipilahan ng kaso ang mga mapapatunayang nagkamal at nagsamantala sa pondo ng taumbayan sa pamamagitan ng flood control projects.

Sinabi ito ng Pangulo sa ikalawang bahagi ng kanyang vlog sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Kamara at Senado sa anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.

Hindi na rin aniya niya aasahan na mag-inhibit ang ilang mga pulitiko na nabanggit ang mga panga­lan dahil tiyak naman na walang aamin sa kanila.

Kaya sa gagawing imbestigasyon ng Investigation Commission ay sisiguruhing matatag ang ebidensiya para mapanagot ang mga malalaking isda na nagsamantala sa pera ng taong bayan.

--Ads--

Sa kabila nito hindi naman minasama ng Pangu­lo ang ginagawang imbestigasyon ng Senado at Kamara sa flood control projects dahil prerogative nila ito at maaaring makatulong din ang mga impormasyon nila para magamit ng bubuuing Investigation Commission.